Aug 28 2009
Kuya Daniel’s message for KKTK Leadership Training
Kuya Daniel’s message for KKTK Leadership Training
January 7, 2009
ADD Convention Center
Bilang mga kabataan, kayo ang malaki ang chance na datnang buhay sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesukristo. At sana, sa ating mga paggawa ay huwag din nating kalilimutan, mga kapatid na ang mahalaga sa atin ay yung bagay na para sa itaas, huwag natin ilagak ang ating mga pag-iisip sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa. Kundi ilagak natin ang ating mga pag-iisip doon sa mga bagay na nasa langit. Kaya tayo ay gumagawa, hindi para sa bagay na panlupa kundi para doon sa ikakapagiging dapat ng ating mga kaluluwa sa kaharian ng Dios. Kaya huwag kayong mag-isip na ang paglilingkod sa Dios ay pag-babarkada, masaya sa kalokohan o kaya mag-uusap ng mga bagay na pansanlibutan. Kami ay naniniwala na mayor parte sa inyo ay may pangako sa Dios, na sumusunod duon sa mga gusting makita sa isang kabataan, na lumalayo sa masamg pita ng laman. Bilin ng Biblia sa atin. 2 Tim 2:22 “Datapuwa’t layuan ninyo ang masamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pag-ibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.” Huwag tayong mahirati sa masang pita ng sanlibutan. Kundi mabuhay tayo duon sa gusto ng Dios, na tayong mga kabataan ay makasama sa pagtupad ng hula na sa mga huling panahon ay ibubuhos ng Dios ang kanyang Espiritu. Yung mga binata, yung mga dalaga, sila ang receipient, at yun ay nangyayari sa loob ng pagsasama-samang sa Dios. Ang wika sa Joel 2:29 “At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu” Joel 2:28”At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panagip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:” Kaw. 1:23 “Magsibalik kayo sa aking saway: Narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo, at ipakikilala ko sa inyo ang aking mga salita.” Para tayo ay makasama duon sa magiging receipient na mabubuhos ang Espiritu, dapat marunong tayong magpasaway sa Dios, at hindi tayo hahanay duon sa mga tao na ayaw magpasakop sa mga utos ng Dios. Alam ko, na kayo bilang mga Kristianong sumusunod sa aral ng Dios ay magpapasaway tayo. Hindi tayo kagaya ng ibang kabataan na ang kasayahan ay disco at bawal na gamot. Hindi ganon ang kabataang lingkod ng Dios.
Kaya mga kapatid, sa kabuoan ng ating mga pagkakatipon, sana ay ok kayo. Sana ay madala natin ito sa ating kapwa kabataan. At patnubayan nawa tayo ng Panginoon na matugunan natin yaong mga bagay na magsisilbing paraan para tayo ay mas makagawa ng epektibo bilang mga opisyales. Na ang lagi nating batayan ng ating pag-gawa ay yaong aral ng Dios. Yung sinasabi sa Fil. 1:27”Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo’y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo’y matitibay sa isang espiritu, na kayo’y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;” Huwag tayong aalis sa pattern na iyan. Kahit na anupang libro ang inyong mabasa, kahit na anong pelikula ang inyong mapanuod, kahit sinumang marinig ninyong speaker… Lagi nating tatandaan na ang panuntunan ng Kristiano ay ang Banal na Kasulatan. I Cor 4:6 “ Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.” Ito’y isang bagay na dapat lagi nating maintindihan na mga lingkod ng Dios, yaong mga aral na sinulat ng Dios , yun ang batayan natin sa lahat ng ating mga paggawa, sa lahat ng ating mga paglilingkod. Na unang-una gawin nating mula sa puso ang lahat ng kalooban ng Dios. Efeso 6:6 “Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;” Anong klaseng puso? Isang pusong malinis, na lumalayo sa masamang pita ng kabinataan… sa masamang pita ng laman. Isang pusong malinis na may takot sa Dios. Layuan mo ang masamang pita ng kabinataan. Sundin mo ang kabanalan. Ang pananampalataya, pag-ibig at kapayapaan, kasama ng mga nangatatakot sa Panginoon. Lahat ng ating ginagawa ay gawin natin sa pag-ibig. Gawin ninyong may karapatan at kaayusan ang lahat ng mga bagay.
Pero ang mas mahalaga sa isang lingkod ng Dios at binibigyang pansin at importansya ay ang mga aral ng Dios. Sapagka’t ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios. Kaya umaasa ako mga kapatid, na you will always be guided by the holy scriptures. Mas marami na ang mga kabataan ngayon. Kaya dapat mas lalo nating ipakita ang pwersa ng kabataang may takot sa Dios. Ang kapisanan o pagsasamasama ng kabataang ito ay hindi layabilidad ng lipunan. Kundi kayo ay asset ng sanlibutan na may paniniwala doon sa aral na ating kinikilala. Kaya sa ngalan ng mga MIC at mga manggagawa… dalangin namin ang pinakamabuti sa inyo. Kasiyahan nawa kayo ng Dios sa inyong mga paggawa. Pagpalain nawa tayo ng Panginoon. Magandang gabi sa inyong lahat.
No responses yet