Aug 28 2009
Mensaheng hatid ng mga National KKTK Officers
Mensaheng hatid ng mga National KKTK Officers
Cavite Division 2nd General Assembly
Theme: Di Kami Nagbibiro Gal 6:7
Local ng Salitran
“Mas importante ang magpatuloy sa paglilingkod sa Dios at hindi ang pag-aasawa. Dapat ang inuuna natin ay ang paglilingkod sa Dios. Dati marami tayong kalokohan, bawi tayo ngayon sa Dios. Yung 15 yrs, 16, 17 yrs o ilang taon na hindi tayo kaanib, bawiin natin yun sa paglilingkod sa Dios. May trabaho ka, gamitin mo sa gawain”…
Sana mga kapatid kung nararamdaman ninyo na tinatawag kayo bilang isang manggagawa, sana tugunan natin ang pagtawag ng Dios sa atin. Yung iba nakararamdam… “Bakit ganon kapag may tumatayong manggagawang nagbabasa ng Biblia, parang gusto kong gawin…” Sabi sa Filipos 2:13 – “Sapagka’t Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.” Ngayon, kung tinatawag ka na mag-choir, maganda ang boses mo, kung gusto mong mag-teatro at meron tayong gustong gawin, may nararamdaman tayo, may pagkilos ang Dios po duon. Sana sa ganong panawagan satin, bilang kabataan, harapin natin. Tanungin natin ang ating sarili… Panginoon baka dito nyo po ako kasangkapanin bilang isang kabataan. Sana sa maliit na paraan magpakasangkapan po tayo. Ngayon iba na ang prinsipyo natin bilang isang kabataan. Iniisip napo natin kung paano tayo makakatugon sa pagtawag satin dito sa loob ng Iglesia. Kapag tinawag ka sa Iglesia, kasangkap ka ng katawan. Meron tayong bahagi dun. Hanapin mo… Saan ka ba, sa bibig ka ba? Tutulong ka ba sa pagpapalaganap… sa pagmamanggagawa. Saan ka ba, sa kamay ka ba? Tutulong ka ba sa mga gawain na kailangan ng manpower… Saan ka ba, sa financial ka ba makakatulong? Alamin po natin mula ngayon at itanong sa ating mga sarili… Naanib ako bilang isang kabataan, ano yung kasakdalang hinihingi sakin ng Dios para maipaglingkod ko sa kanya kaya niya ako tinawag sa Iglesia.
Hindi po tayo mananatiling dadalo lang sa mga pagkakatipon, pasalamat, pagsamba. Meron po tayong part sa Iglesia. Kung tinatawag ka sa pagmamanggagawa, kung tinatawag ka bilang isang choir, kung tinatawag ka bilang isang teatro o BREAD Society o kung tinawag ka bilang makakatulong sa UNTV production… Alamin natin mga kapatid. Nakasulat sa I Cor. 12:31 “Datapuwa’t maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At ituturo ko sa inyo ang isang daang kagaling-galingan”. Iyon po ay yung pagiging manggagawa, pinananasa po iyon sa atin. Kagaya ng kampanya ng nakaraang IYC na “MISSION PROPAGATION”. Lagi pong sinasabi ng ating mga mangangaral na maraming kailangang mga manggagawa. Sa sino mang nakakaramdam…manalangin po kayo na… “ Ama tulungan mo po ako na kahit hindi ako karapat-dapat ngunit atas ng pananampalataya na tiwala ako sa inyo na dito ninyo ako tinatawag. Bahala napo kayo sa akin. Ibibigay ko po yung BEST ko. Tulungan mo po ako…”
Kami bilang kasangkapan po ninyo na mga National Officers, sa awa’t tulong ng Dios, iba sa amin lagpas na ng pito, lagpas na ng sampu. Sa awa’t tulong ng Dios, yung natutunan namin kay kapatid na Eli at Kuya Daniel, nag-iisip parin kami kung papaano lubos na makakatulong na huwag ng makadagdag pa sa problema nila. “Yung tayo lang, huwag nang maging malaking problema sa ating mga mangangaral… malaking tulong napo natin ito sa kanila”. Tulong na natin kina kapatid na Eli at kapatid na Daniel na tayo’y huwag nang maging pabigat pa! Para makaiwas tayo sa kasalanan, sa problema, ang gawin natin ay gamitin natin ang ating kabataan sa paglilingkod sa Dios. Alam ko po na marami po sa atin ang binigyan ng Dios ng talento. Hindi natin pwedeng sabihin na wala tayong magagawa, kundi bibigyan ka ng Dios ng magagawa mo, at kakailanganin mo, lalo na sa paglilingkod mo sa kanya. Ang kailangan lang natin ay hanapin ito. Tanungin natin ang ating mga sarili, saan ba ako tinatawag ng Dios? Bilang isang kabataan, ano ba ang maipaglilingkod ko. Tugunan natin at gawin natin sa pananampalataya. Kami ay umaasa, na lahat ng kabataan sa Cavite, makakatulong sa pagpapalaganap ng salita ng Dios sa buong mundo. Tulong tulong po tayo. Huwag po tayo sanang mapagod. Tayong mga kabataan ang magbabandila at mangunguna sa ibang kabataan ng sanlibutang ito. Anumang talentong meron tayo ngayon, gamitin natin, huwag nating hayaang wala tayong ginagawa. Ipaglingkod po natin ito sa loob ng Iglesia. Salamat po sa Dios….
No responses yet