Aug 28 2009
Pangarap ng Puso
Sa bawat araw nitong aking buhay
Mayroong pangarap na ibig makamtan
Ang laging laman ng aking dasal
Sana ako ay makapagtagumpay
Koro:
Buhay walang hanggan
Pangarap ng puso
Doo’y mapapawi lahat ng siphayo
Sa piling ng Ama
Ni Hesus kong kasuyo
Duon ang ligaya’y hindi maglalaho
Kapag dumarating ang mga pagsubok
At itong dibdib ay, parang dinudurog
Ang alaala koy, si Hesus na irog
Di magpapabaya sa kanyang mga lingkod
(Repeat Koro)
Bridge:
Bayang banal mararating, Dios Ama’y makakapiling
Pangarap ko ay kakamtin
Sa tulong ni Hesus kong giliw
Magwawakas… Itong panimdim…
(Repeat Koro)
Makakamtan ang pangarap ng puso..
No responses yet