Aug 28 2009

cavitekktk

Sa Aking mga Magulang

Posted at 5:58 am under Uncategorized

September 22, 2007Saturday

22nd KKTK International Thanksgiving

Apalit Pampanga ADD Convention Center

Sa aking mga magulang,

Mahirap sabihin ang mga salitang patawad… salamat…mahal kita…

Marahil ay inyong iniisip na kami’y walang pakialam, na ang aming lamang iniisip ay ang aming sariling buhay. Mas madalas ay nabibigyan namin kayo ng sama ng loob, ng kawalang pag-asa, ng mga tagong luhang dulot ng aming kamangmangan.

Patawad po, kung kayo’y aming nasaktan. Salamat po, sa inyong pagmamahal na walang katapusan. Mahal namin kayo… Hindi lamang dahil kami’y mahal ninyo, kung hindi dahil… bagamat kami’y may maraming pagkukulang, walang sawa kayong umuunawa, kayo’y matiyagang sumusubaybay. Nakaalalay sa aming paghakbang.

Hindi nyo lang alam na ang inyong kaligayaha’y kagalakan sa aming puso. Hiling po namin ang inyong kasiyahan sa bawat oras na kami’y nawawaglit sa inyong paningin, at hindi naglalagi sa ating tahanan, upang tupdin ang aral at utos ng ating Panginoon at buong sikap na gumagawa sa ikaluluwalhati ng ating Ama. Sana’y inyo pong nauunawaan na ang mga bagay na ito ay hindi lamang para sa amin, kundi para sa inyo din.

Kaya’t ngayon… Hayaan po ninyong pasalamatan namin ang Panginoong Dios ng may kaligayahan, sa pagbibigay Niya sa amin ng mga magulang na tulad ninyo. Mahal namin kayo… Salamat po sa Dios.

Nagmamahal,

Kapisanan ng mga Kabataan Tungo sa Kasakdalan

No responses yet




Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply